• Home
  • Posts RSS
  • Comments RSS
  • Edit
  • Filipino Journal I (Nov 9-13)


    Nov 9 – 13

    Unang linggo ng pasukan, lahat ng mag’aaral ng estudyante ng Unibersidad ng Caloocan ay papasok nang muli, 7:30am en412, yan ang classroom na papasukan ko, ngunit bago ako pumasok ay nagkita kita kaming mga en10a sa harapan ng engineering building, ang en10a ay ang section na pinapasukan ko noong nakaraang semestre, ito ay ang seksyon na kung saan ay nakapag-tayo kami ng matinding bahagdan ng hagdan na kung saan ay tila ayaw na naming maghiwahiwalay kada semestre, malungkot sabihing, hindi pwede mangyari e.

    Balik sa unang araw ng aking kwento, papasok na ang bidang si kim, sa aking pagpunta sa classroom, may mga binabating mga kakilala, kaibigan, kaklase at mga profs, mga profs na hinding hindi naming makakalimutan, magmula sa aming sipnayan, andiyan c maam Frankie rosacay, c maam panopio, sa aming kasanayan sa agham, andiyan c maam salansang, sa aming sanayan sa pag-iingles, andiyan c sir Darwin guianan, sa aming engineering drawing, andiyan si sir elmer sy na pinalitan ni sir Antonio jimeno sa kadahilanang umalis si sir sy papuntang states.

    Ansaya sa unang araw. Antaas ng pakiramdam ko, pagpasok sa room makakakita ka ng bagong mga kaklase, may kaibigan na ng dati mong kaklase, may mga masarap sa pakiramdam pag kausap mo sila, ung pakiramdam na, matagal mo na silang nakilala. Ayan na, dumating na ung prof, at syempre, tatahimik ang lahat, dinig ko ang ingay sa labas, tuwang tuwa ang mga estudyanteng nagkita kita muli pagkatapos ng semestral break, magpapakilala na si prof, pangalan background, kelan nagtagal sa UE, kelan gumradweyt, alumni ng school last batch lng prof na kaagad, at ang unang tanong na maririnig mo sa lahat ng prof na maririnig mo sakanila, “sinong binagyo?” at syempre ngingiti ka, tatawa pa’t kala mo walang nangyari, titingin ka pa sa likod, sa gilid, mahihiya kang mag-taas ng kamay. Susunod ang pangangamusta ng prof sa bakasyon, “nagswimming kaba sa baha iho?” tawanan ang lahat, animo’y walang nangyaring sakuna, well, ganyan naman ang mga Pilipino, halakhak ang pangontra sa problema.
    Nagdaan ang madaming prof, halos parehas ang mga tanong, may mga bagong muka, at mayroon namang naging prof na naming noong nakaraang semestre. Ito ang umpisa ng sagupaan patungo sa tagumpay, sulong para sa uno, sulong nagaalab na mandirigma.