• Home
  • Posts RSS
  • Comments RSS
  • Edit
  • Showing posts with label Filipino Journal. Show all posts
    Showing posts with label Filipino Journal. Show all posts

    Filipino Journal I Nov 24




    Nov 24 - The Exam




    taken from youtube
    Please do boost up your volumes so you may hear 
    the loudness of the rhythm :) its fun

    kita mo yan? ganyan kami dinidurog ng exam, lalo na kung d nagrereview, andami daming problema, kaya naman may ilang mga tips ako para sa aking readers:


    You may need to take a breath of fresh air or a toilet break, and this is allowed. However, you will not be given additional time for the exam if you do take a break.
    Every care is taken to ensure the examination copies are correct; however, if you see what you think might be an error, bring it to the attention of the invigilator as soon as possible.
    If you are taken ill during an exam, speak to the invigilator in the first instance. If you have to leave theexam owing to illness, you should submit an application on the basis of mitigating circumstances as soon as possible, and not more than seven days after the examination.
    taken from 
    www.bbk.ac.uk



    unang exam sa filipino subject, wala akong kaalam alam, ni walang taong nagkusang nagpaalala sakin, at syempre, oras ng filipino, basa muna ng kaunti, sbay sara ng libro, pipiliting ulitin ang mga binasa, bibigkasin sa bibig, walang boses, nagsasalita c maam alonzo, ang aking professor sa filipino, pilit na pinakikinggan habang nag rerebyu, may katabi ako, kelangang kausapin paminsan minsan, bka maging bato kame, may nag iingay, may tumatawa, may naglalaro, may nambabara, waa!! anu ulit yun? asan na nga ba ako? anu ung limang aspeto ng retorika? ang pagpapahalaga nito? ang aplikasyon sa buhay? ayan na, "kumuha ng isang yellow pad" sabi ng aming guro. tanong tanong, walang maisulat, hindi alam kung anong gagawin.


    natapos na ang exam at kinuha na ang papel, bumaba ako at ang kaklase kong si caballo (naks, bida ka sa blog ko) para magpa photocopy ng syllabus at ng listahan ng idyoma, 40pages dlawang set, syempre bida din ang stapler, salamat sayo tumagal ang aming pagpapa photocopy, kung d ka naimbento sa mundo, mapapaaga ang pagbalik namin sa classroom. haha, pero syempre magiting tayong magaaral, kailangang mag aral, mahal namin si maam kaya't dali dali kami kung mag stapler (totoo yan, hindi yan bola) XD




    pagbalik namin sa classroom ay nagkaroon ng paguusap usap patungkol sa aming susunod na gagawin, ang "SKIT" at tumunog ang bell :)

    Filipino Journal I Nov 19

    Nov 19




    Pangalawang sesyon / klase sa Retorika, nag ayos kame ng “seat plan”, alphabetically arrange gaya ng nakaugalian niyang gawain sa buong semestre, pagkatapos nito ay nag grupo kaming mag aaral ayon sa bilang para sa mga aktibidades na gagawin sa retorika. Nagkaroon din kme ng ilang mga lektyur patungkol sa retorika, at kung magugulat ka ay magkakaroon kaagad kame ng pagsusulit patungkol dito sa paksang retorika.

    Ano nga ba ang retorika ?

    Source: photobucket
    retorika ba yan? Naghnap ako ng litrato para maintindihan ninyo ang ibig kong sabihin, teka? Bakit ganto? Headbang pa ung bata, mukang naumpog sa kampana



    O diba? Ulit-ulitin mo ang pagumpog, SIGE PA, TUWANG TUWA, KALEMBANG BEYBE GOOOWW! O ngayon nangiti ka? Tawa na antagal e :)


    Ang retorika ayy …
    R- robot computer ipod cellhpone digi cam at kung anu anu pa…
    E- engineers’ gadget kung aking titignan
    T- tomorrow begins in the east
    O- ‘09-’10, an gaming batch
    R- Rumeresbak sa mga prof na nambabagsak
    I- ibabaon ang mga sagabal sa pag-angat
    K- kikitilin ang mga epal
    A- “AKO ANG SIMULA”


     very inspiring diba? Di bale maam, di naman naming hahayaang magkaroon ng singko sa grade card. Takot pa kami pumatay, HAHAHA syempre biro lng. :) mahal namin kayo e.


    (bell rang) at doon nagtatapos ang klase

    Filipino Journal I Nov 17





    Ika-17 ng Nobyembre, 2009 - F.R.I.E.N.D.S

    Isang araw na punong puno ng kahihiyan ang bumagabag sa aking puso, bakit? Narito ang ilang detalye ng aming paglalakas-loob na makilala ang aming mga kaklase, ang 3b ay nag grupo-grupo depende sa sasabihin ni maam Alonzo at magpapakilala isa isa, hint: kailangang makabisado ang lahat ng pangalan ng mga kaklase, Masaya makipag kilala sa kanila, sa katunayan, pangalan lng ang iniisip mo, hindi mo alam kung anong itsura ng kagrupo mo at syempre, kailangang pumili ng kaibigang talagang mapapakapit ka para magtayo ng sarili mong grupo ,limang kaklase ang pipiliin mo na may pakiramdam na okey na kokey ka sa mga pipiliin mo, malungkot pag walang pumili sayo, pa-“STAR” effect naman na parang “dehins turnilyo” ang dating pag palagi mong naririnig ang pangalan mo. Ngaung natapos na ang klase sa retorika,



    may mensahe ako para sa mga aking kamag-aral.







    Mensahe ko lang para sa mga pa-“star” – WAG LUMAKI ANG ULO, ito ang nagpapatibay na ang lahat ng binabati (sa anu mang larangan) ay hahatulan ng paglaki ng ulo, kitang kita naman na todo sa bati itong baseball player na aking tatawaging “AMPOGI MO PARE” habang kumakaen ng “BAR SOAP” na “CLEAR” habang tinuturo ang fans sabay kaway habang hinahabol ang bola ng baseball,


    pagdarasal kita na sana di ka madapa o tamaan ng bola.






    Para naman sa aking kamag-aral na hindi natawag – “ ‘WAG MAWALAN NG PAG-ASA”, ang sabi ni “barakong bama” habang naglalakad ng walang gwardya, ang cool diba, syempre, isa din un sa dapat nating ipayo sa ating kamag-aral. Be COOL super COOL , wag mukang COOL-TO, korni dba? Tawa ka nlng, total knina ka pa nmn ngumingiti e. HAHAHAH


    Filipino Journal I (Nov 9-13)


    Nov 9 – 13

    Unang linggo ng pasukan, lahat ng mag’aaral ng estudyante ng Unibersidad ng Caloocan ay papasok nang muli, 7:30am en412, yan ang classroom na papasukan ko, ngunit bago ako pumasok ay nagkita kita kaming mga en10a sa harapan ng engineering building, ang en10a ay ang section na pinapasukan ko noong nakaraang semestre, ito ay ang seksyon na kung saan ay nakapag-tayo kami ng matinding bahagdan ng hagdan na kung saan ay tila ayaw na naming maghiwahiwalay kada semestre, malungkot sabihing, hindi pwede mangyari e.

    Balik sa unang araw ng aking kwento, papasok na ang bidang si kim, sa aking pagpunta sa classroom, may mga binabating mga kakilala, kaibigan, kaklase at mga profs, mga profs na hinding hindi naming makakalimutan, magmula sa aming sipnayan, andiyan c maam Frankie rosacay, c maam panopio, sa aming kasanayan sa agham, andiyan c maam salansang, sa aming sanayan sa pag-iingles, andiyan c sir Darwin guianan, sa aming engineering drawing, andiyan si sir elmer sy na pinalitan ni sir Antonio jimeno sa kadahilanang umalis si sir sy papuntang states.

    Ansaya sa unang araw. Antaas ng pakiramdam ko, pagpasok sa room makakakita ka ng bagong mga kaklase, may kaibigan na ng dati mong kaklase, may mga masarap sa pakiramdam pag kausap mo sila, ung pakiramdam na, matagal mo na silang nakilala. Ayan na, dumating na ung prof, at syempre, tatahimik ang lahat, dinig ko ang ingay sa labas, tuwang tuwa ang mga estudyanteng nagkita kita muli pagkatapos ng semestral break, magpapakilala na si prof, pangalan background, kelan nagtagal sa UE, kelan gumradweyt, alumni ng school last batch lng prof na kaagad, at ang unang tanong na maririnig mo sa lahat ng prof na maririnig mo sakanila, “sinong binagyo?” at syempre ngingiti ka, tatawa pa’t kala mo walang nangyari, titingin ka pa sa likod, sa gilid, mahihiya kang mag-taas ng kamay. Susunod ang pangangamusta ng prof sa bakasyon, “nagswimming kaba sa baha iho?” tawanan ang lahat, animo’y walang nangyaring sakuna, well, ganyan naman ang mga Pilipino, halakhak ang pangontra sa problema.
    Nagdaan ang madaming prof, halos parehas ang mga tanong, may mga bagong muka, at mayroon namang naging prof na naming noong nakaraang semestre. Ito ang umpisa ng sagupaan patungo sa tagumpay, sulong para sa uno, sulong nagaalab na mandirigma.